Thursday, February 11, 2016

Encantadia for last quarter of 2016

Pa­laisipan pa kung sinu-sino ang gaganap sa remake ng Encantadia na ipalalabas sa last quarter ng taon.

Nauna ko nang nakausap ang napakagandang aktres na si Janine Gutierrez at ang sabi niya, umaasa siya na sana ay mapabilang siya sa naturang fantaserye.

Nang tanungin ko kung ano ang gusto niyang role -- si Amihan na unang ginampanan ni Iza Calzado.

But more than that, wala nang ibang idinetalye pa si Janine dahil hihintayin na lang nila ang announcement mula sa GMA Management sa mapipiling final cast ng bagong Encantadia. 

Samantala, ang kampo ni Kylie Padilla ay nagpahayag na hindi totoo ang naglabasang balitang lilisanin na niya ang GMA7 sa pag-e-expire ng contract niya ngayong taon.

Sinabi ng kampo ni Kylie na inalok ito ng GMA para gumanap bilang Amihan.

Paano na kaya ito? Puro si Amihan na lang ang gustong gampa­nan ng leading ladies ng Siete?

Paano na sina Glaiza de Castro, Rhian Ramos, Andrea Torres, Barbie Forteza at kahit na si Bea Binene?

Ano’ng roles kaya ang kababagsakan nila? 

Sinu-sino sa kanila ang karapat-dapat ma­ging Diwata?

Paano na si Jennylyn Mercado na siyang bagay rin bilang lead?

Saturday, June 27, 2015